Mga kumpanya ng langis magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas

AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

May nakaambang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo ang ipatutupad na rollback bukas, December 3 araw ng Martes.

Sa abiso ng mga kumpanyang Shell, Sea Oil, 30 centavos ang mababawas sa kada litro ng gasolina, 65 centavos sa kada litro ng diesel at 50 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang Petro Gazz naman ay may parehong halaga ng rollback sa kanilang diesel at gasolina.

Inaasahang mag-aanunsyo ng parehong halaga ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Read more...