Stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa TY Tisoy umabot na sa mahigit 5,000

Mahigit 5,000 pasahero na ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na stranded sa mga pantalan sa bansa.

Sa datos ng Coast Guard, nasa 5,327 ang stranded passengers sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol Region at sa Eastern Visayas.

Sa Bicol Region, pinakamaraming stranded na pasahero sa Matnog Port na umabot sa 2,175.

Maliban sa mga pasahero, mayroon ding stranded na 1,030 na rolling cargoes; 45 barko; at 19 na motorbancas sa iba’t ibang mga pantalan.

Mayroon ding naitala ang coast guard na 125 na barko at 51 na motorbancas na pansamantalang huminto muna sa paglalayag at nagtungo muna sa mas ligtas na lugar.

Read more...