Ito ayon kay House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert Ace Barbers ay sa gitna ng mga aberya sa paghahanda sa 30th SEA Games.
Sinabi ni Barbers na wala siyang nakikita o naririnig at nararamandaman na magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Kamara.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy anya ang commitment ng mga kongresista at sa tingin niya tuloy pa rin ang usapang lalaki tungkol sa term sharing sa pagitan ni Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Nilinaw naman ni Barbers na natural lamang sa pagho-host ng isang bansa sa isang sporting event na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at walang organizing committee ang hindi dumaan sa anumang “glitches”.
Sa kabila nito ay posible anya na magkaroon ng imbestigasyona ng Kamara tungkol sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa SEA Games.