Water level ng Angat dam sumampa na sa 189-meter level

Umabot na muli sa 189-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, December 2 ang antas ng tubig sa Angat ay 189.07 meters.

Mas mataas kumpara sa 188.97 meters kahapon.

Nabawasan naman ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.22 meters at 77.44 meters.

Pawang nabawasan din ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, at Magat dams.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Pantabangan at Caliraya dams.

Read more...