Typhoon Tisoy muling lumakas; Signal No. 3 nakataas sa Catanduanes

Muling lumakas ang Typhoon Tisoy habang tinatahak ang Bicol region.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Lorie dela Cruz, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 355 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes papalapit sa landmass ng bansa .

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Binabagtas ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal Number 3:
Catanduanes

Signal Number 2:
(Luzon)
– Eastern portion ng Laguna (Pakil, Mabitac, Santa Maria, Famy , Siniloan, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Sta. Cruz, Pagsanjan, Cavinti, Pila, Magdalena, Luisiana, Nagcarlan, Liliw , Majayjay, Rizal at San Pablo City)
– Eastern portion ng Batangas (Padre Garcia, Rosario, Taysan, Lobo at San Juan)
– Quezon kabilang ang Polillo Islands
– Oriental Mindoro
– Marinduque
– Romblon
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island

(Visayas)
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran

Signal Number 1:
(Luzon)
– Southern Isabela (Palanan, Dinapique, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabanatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin)
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Ilocos Sur
– La union
– Pangasinan
– Nueva Viscaya
– Quirino
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Pampanga
– Bulacan
– Zambales
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Rest of Laguna
– Cavite
– Rest of Batangas
– Occidental Mindorto
– Calamian Islands

(Visayas)
– Aklan
– Capiz
– Antique
– Iloilo
– Guimaras
– Northern portion ng Negros Occidental (Bacolod City, Bogo City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Medridejos, Santa Fe, Medelin, Bago City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon at Asturias)
– Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela At Danao City)
– Leyte
– Southern Leyte

(Mindanao)
– Dinagat Islands
– Siargao Island

Ang sentro ng bagyo kaninang alas-2 ng umaga ay huling namataan sa Silangang bahagi ng Virac Catanduanes.

Bukas ng umaga (Martes, December 3) ang sentro ng bagyo ay posibleng nasa Camarines Sur.

Sa Miyerkules ay inaasahang nasa western section na ng Subic Zambales ang sentro ng bagyo patuloy sa pagtahak sa West Philippine Sea sa araw ng Huwebes, palabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) sa araw ng Biyernes hanggang sa maging LPA na lamang ito.

Inaasahang tatama ang bagyong Tisoy sa kalupaan ng Catanduanes o Albay mamayang ng gabi o sa Martes ng umaga.

Read more...