Windsurfing competition ng SEA Games sa Subic, ipinagpaliban dahil sa Typhoon #TisoyPH

Ipinagpaliban ang windsurfing competition ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Subic, Zambales.

Ito ay bunsod ng nararanasang masungit na panahon dulot ng Typhoon “Tisoy.”

Ayon kay Ramon Agregado, senior deputy administrator for support services ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), itutuloy ang kompetisyon oras na maging maayos ang lagay ng panahon sa Subic Bay Yacht Club.

Batay sa abiso ng PAGASA, posibleg mag-landfall sa bahagi ng Bicol region ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi o Martes ng madaling-araw.

Read more...