Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ni dating PM Nakasone

Nagparating ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa gobyerno ng Japan kasunod ng pagpanaw ni dating Prime Minister Yasuhiro Nakasone.

Pumanaw si Nakasone sa edad na 101.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na naging mabuting kaibigan ng Pilipinas si Nakasone.

Nabigyan din aniya si Nakasone ng Order of Sikatuna, Rank of Grand Collar (Raja) noong 1983 dahil sa kaniyang kontribusyon na mapagtibay ang diplomatic ties ng Pilipinas at Japan.

“Prime Minister Nakasone was a great friend of the Philippines. He was conferred the Order of Sikatuna with the rank of Grand Collar (Raja) in 1983 for his contribution in strengthening Philippines-Japan diplomatic ties,” ani Panelo.

Bilang pagkilala sa kaniyang legasiya, nakikiisa ang Palasyo sa pagdarasal para kay Nakasone.

“As tributes pour to honor the life and legacy of the late Japanese leader, we pray that the Almighty grant Mr. Nakasone eternal repose as he rests in happiness and peace,” pahayag ni Panelo.

Read more...