Ito ay kahit na pag-aari na ng China ang 40 percent shares sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na negosyo ang transmission.
Nakapagtataka aniya kung bakit papatayin ng China ang transmission lines gayung malinaw na pera ang layunin ng isang negosyo.
“Mga nagsasabing baka mag-shutdown parang mayao naman yun. Unang-una, negosyo ‘yun ano naman ang reason, ba’t naman nila gagawin yun para patayin ang connection,” ani Panelo.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sa Department of National Defense (DND) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang pagtugon kung maituturing na national concern ang pagkakaroon ng China ng malaking share sa NGCP.