Pahayag ito ng Palasyo matapos magbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa mga POGO na magbayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa loob lamang ng tatlong araw.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na batid naman ng China kung ano ang legal at hindi ilegal.
Sumusunod aniya ang China sa mga tamang pamamaraan gaya ng tamang pagbabayad sa buwis.
Tiniyak naman ni Panelo na kulong o deportation ang maaring kaharapin ng mga Chinese na hindi nagbabayad ng buwis sa Pilipinas.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu: