Bolambao, nakuha ang unang gintong medalya sa arnis

Nakuha ng pambato ng Pilipinas na si Dexler Bolambao ang unang gintong medalya sa Arnis sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Nanalo si Bolambao sa Men’s Division bantam weight category sa Angeles, Pampanga.

Naungusan ng Filipino athlete sa 55-kilogram full contact live stick arnis si Soc Paing mula sa Myanmar.

Nagsilbing coach ni Bolambao si Richardson Gialogo.

Read more...