Batikos sa SEAG opening ceremony, minaliit ng Palasyo

Minaliit lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang batikos ng ilang kritiko na mistulang perya ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi pang perya kundi pang world class ang performance ng mga Filipino performer.

“World class ang presentasyon. Natutuwa ang pangulo sa nakita niya. Masayang-masaya ang mga kababayan natin,” ani Panelo.

Pakiusap ng Palasyo sa publiko, huwag na lamang pansinin ang mga batikos at pagtuunan na lamang ang pagbibigay suporta sa atletang Filipino na lumalaban sa SEA Games.

Maari aniyang wala sa venue at hindi personal na napanood ng mga kritiko ang opening ceremony kung kaya hindi na-appreciate ang performance.

Read more...