Triathlon na si John Chicano nasungkit ang unang gold medal ng Pilipinas sa 2019 SEA Games

Nasungkit ng triathlon na si John ‘Rambo’ Chicano ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

Tinalo ni Chicano ang kapwa Pinoy na si Kim Remolino sa third straight 1-2 finish by sa men’s triathlon.

Naiuwi naman ni Remolino ang silver medal habang ang pambato ng Indonesia ang nakapag-uwi ng bronze.

Nagtala si Chicano ng one hour, 53 minutes at 24 seconds na bagong rekord SEA Games.

Si Remolino naman ay nagtapos sa 1:55:01.

Read more...