Typhoon Tisoy napanatili ang lakas: Signal #1 nakataas pa rin sa maraming lalawigan

Napanatili ng Typhoon Tisoy ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran.

Huling namataan ang bagyo sa layong 885 kilometers East ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawal oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa sumusunod na mga lugar:

– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Camarines Sur
– Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island
– Samar
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Biliran
– Camotes Island
– Leyte

Inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Bicol Region sa pagitan ng Dec. 2 o umaga ng Dec. 3.

Simula bukas, December 2 makararanas ng paminsan hanggang sa madalas na pag-ulan sa Bicol Region, Samar provinces, at Biliran.

Katamtaman hanggang sa kung minsa ay malakas na ulan sa Romblon, Marinduque, at Quezon.

Sa Martes, December 3 madalas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan.

Paminsan-minsang malakas na ulan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Read more...