Napanatili ng Typhoon “Tisoy” ang lakas nito habang binabagtas ang direksyon pa-Kanluran.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 995 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes bandang 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Tinahatak nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nadagdagan ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Samar
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Biliran
Ayon sa weather bureau, posible ring itaas sa Signal no. 1 ang Camarines Sur, Masbate kabilang Burias at Ticao Island, Camotes Island at Leyte sa susunod na bulletin.
Nagbabala rin ang PAGASA na mapanganib pumalaot ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa seaboards ng mga lugar na nasa ilalim ng TCWS, northern at western seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboards ng bansa.
Ayon pa sa PAGASA, posibleng tumama sa kalupaan ng Bicol region ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi (December 2) o Martes ng madaling-araw (December 3).
Inaasahang mararanasan ang pakana-kana at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Samar provinces at Biliran sa Lunes.
Katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang iiral sa Romblon, Marinduque at Quezon.