2 patay, 26 sugatan sa karahasan sa Iraq

Patay ang dalawa katao habang 26 iba pa ang sugatan sa nagpapatuloy na karahasan sa Iraq.

Ayon sa mga otoridad, 15 ang nasugatan sa marahas na protesta sa Najaf sa southern Iraq.

Nasa 11 naman nasugatan sa hanay pa rin ng mga nagpoprotesta malapit sa Ahrar Bridge sa Baghdad.

Nagpapatuloy pa rin ang kaliwa’t kanang protesta sa kabila ng pag-aanunsiyo ni Prime Minister Adel Abdul-Mahdi na balak na pagbibitiw sa pwesto.

Read more...