Pumasok na ang Bagyong Tisoy sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huli itong namataan sa 1,165 kilometers Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes bandang 4:00 ng hapon.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Binabagtas ng bagyo ang direksyong Kanlurang Timog-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, nadagdagan ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1:
– Eastern Samar
– eastern section ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig at Las Navas)
Posible namang itaas sa Signal no. 1 ang nalalabing parte ng Northern Samar, Samar, Catanduanes at Sorsogon sa susunod n weather bulletin.
Mapanganib nang pumalaot ang maliliit na sasakyang-pandagat sa seaboards na nasa ilalim ng TWCS, northern at western seabards ng Northern Luzon at eastern seaboards ng bansa dahil sa nararanasang malalakas na alon.
Ayon sa PAGASA, posibleng tumama ang Bagyong Tisoy sa Bicol region sa Lunes ng hapon (December 2) o Martes ng madaling-araw (December 3).