Pangulong Duterte at Brunei Sultan Bolkiah, nagkaroon ng bilateral meeting sa Malakanyang

Screenshot from PCOO’s Facebook live video

Nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, Sabado ng hapon.

Isinagawa ang pulong sa President’s Hall sa Malacañang bago ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Dumalo si Bolkiah sa welcome ceremony kasama si Yang-Di Pertuan ng Negara Brunei Darussalam.

Bumisita ng bansa si Bolkiah para sa Official Visit.

Maliban dito, magpapakita rin ng suporta si Bolkiah sa mga atleta ng Brunei na sasabak sa SEA Games.

Read more...