#WalangPasok sa Lunes dahil sa Bagyong #TisoyPH

(UPDATED AS OF 4:51 PM, SUNDAY) Nagdagdagan pa ang mga lugar na nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase.

Sa inilabas na abiso, ito ay bunsod ng inaasahang epekto ng Typhoon Kammuri o Bagyong “Tisoy.”

Sakop ng suspensiyon ng klase ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga sumusunod na lugar:

– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Calapan City
– Biliran Island

Samantala, suspendido naman sa Albay, Sorsogon at Calapan City hanggang Martes (December 3).

Ayon sa PAGASA, posibleng tumama sa kalupaan ng Bicol region ang bagyo sa pagitan ng Lunes ng gabi at Martes ng madaling-araw.

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update.

Read more...