Ilang atleta at officials na kasali sa SEA Games, naaksidente

Kuha ni Chona Yu

Naaksidente ang ilang atleta at opisyal na kasali sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, araw ng Sabado (November 30).

Ayon kay Atty. Jarie Osias, tagapagsalita ng PHISGOC, naganap ang aksidente sa bahagi ng Bocaue exit sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ani Osias, sakay ng sasakyan ang mga atleta mula sa Vietnam.

Nagkaroon aniya ng sudden break sa unahang bahagi ng convoy.

Dahil dito, ang sasakyan ng mga atleta mula naman sa Laos na nasa huling bahagi ng convoy ay sumalpok sa sasakyan ng Vietnam.

Naiulat aniya sa kaniya ang aksidente pasado 4:00 ng hapon.

Sinabi naman ni Osias na walang nasugatan sa mga atleta.

Narito ang bahagi ng panayam kay Atty. Osias:

Read more...