Ayon sa Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC), plantsado na ang lahat para sa SEA Games at abangan na ang magarbong opening mamayang alas-7:00 ng gabi.
Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng regional meet na gaganapin ang opening show sa isang indoor venue.
Kabilang sa mga magtatanghal mamaya ay ang Filipino world-class performers na sina Apl.de.Ap, Lani Misalucha, Jed Madela at TNT Boys.
Ang Boxing world champions naman na sina Manny Pacquiao at Nesthy Petecio ang magsisindi sa multi-milyong pisong cauldron na idinesenyo ni National Artist for Architecture Francisco “Bobby” Mañosa.
Dadalo sa opening ceremony si Pangulong Rodrigo Duterte para opisyal na ideklara ang pagsisimula ng palaro.
Mag-aagawan ng medalya sa 56 na sporting events ang mga bansa sa ASEAN.
Samantala, ipinasilip ni Palanca-award winning playwright Floy Quintos sa pamamagitan ng isang Facebook post ang finale ng opening ceremony mamaya.
Ipapakita anya sa final performance ang pagkakaisa ng bansa.