Legazpi bishop nanawagan ng panalangin para sa paparating na bagyo

Umapela ang isang obispo sa publiko na manalangin at maghanda para sa paparating na bagyo na nagbabadyang tumama sa Silangan ng Pilipinas.

Naglabas si Legazpi Bishop Joel Baylon ng ‘oratio imperata’ (obligatory prayer) para dasalin ng mga mananampalataya.

Dapat anyang maging alerto ang publiko at magtulong-tulong para walang casualty na maitala mula sa bagyo.

“Let us pray that we may be saved from disaster. Let us care for the most vulnerable among us.”

Batay sa 4am weather update ng PAGASA ngayong Sabado (November 30), inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon ‘Kammuri’ sa pagitan ng Sabado ng gabi hanggang Linggo ng umaga.

Pangangalanan itong Bagyong Tisoy pagpasok ng PAR.

Sa Bicol Region pa rin ito inaasahang mag-landfall.

Inaasahang magdadala ng malakas na hangin at ulan ang bagyo sa Central at Southern Luzon kasama na ang Metro Manila.

Read more...