M3.4 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:33 Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 103 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 93 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...