Pilipinas ginugunita ang ika-156 kaarawan ni Andres Bonifacio

Bonifacio Monument sa Lawton

Ginugunita ng buong bansa ngayong Sabado ang ika-156 araw ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, ang ‘Ama ng Rebolusyong Filipino’.

Hindi tulad ng ibang pambansang bayani ng Pilipinas gaya ni Jose Rizal, inaalala si Bonifacio sa kanyang araw ng kapanganakan, November 30, 1863 at hindi kung kailan siya namatay o noong May 10, 1897.

Ito ay dahil namatay si Bonifacio sa kamay ng mga kapwa-Filipino at hindi dahil sa mga mananakop.

Si Bonifacio ang nasa likod ng pagtatatag sa Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan, mas kilala bilang Katipunan, o KKK na layong mapalaya ang Pilipinas sa Espanya.

Dalawampu’t apat na taon matapos ang kamatayan ni Bonifacio, isinabatas ang Republic Act No. 2946 na nagtakda sa November 30 ng kada taon bilang national holiday para gunitain ang kanyang kapanganakan.

Mula alas-12:01 kaninang hatinggabi, isinara ang Bonifacio Monument Circle sa Caloocan.

Pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.

Magsasagawa ng wreath-laying ceremony mamayang alas-4:00 ng hapon sa Monumento.

Inaasahang dadalo rito si Pangulong Rodrigo Duterte at ang ilang mga kaanak ni Bonifacio.

Read more...