Pangulong Duterte makikipagkita kay Sultan Bolkiah ng Brunei bago ang SEA Games opening

Nakatakdang makipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Sultan Hassanal Bolikah ng Brunei bago ang pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Sabado.

Magaganap ang pulong ng dalawa sa Malakanyang, Sabado ng tanghali.

Ang mga anak ni Sultan Bolkiah na sina Princess Azemah at Prince Abdul Mateen ay kapwa atleta at lumalaban sa SEA Games bilang bahagi ng polo team ng Brunei.

Ang pamangkin naman ni Sultan Bolkiah na si Faiq Jefri Bolkiah ay captain ng men’s football squad.

Si Faiq ang napaulat na dinala sa ospital kamakailan matapos makakain ng peanut sa hotel.

Read more...