Typhoon “Kammuri” halos hindi kumilos sa nakalipas na 6 na oras – PAGASA

Anim na oras na halos hindi kumilos ang Typhoon Kammuri.

Sa 4PM weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,455 kilometers east ng Southern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 170 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, nananatiling Sabado ng gabi o Linggo ng umaga ang posibleng pagpasok sa bansa ng bagyo.

Papangalanan itong Tisoy sa sandaling makapasok sa bansa.

Ngayon pa lamang ay pinag-iingat na ng PAGASA ang mga residente sa Bicol Region, Calabarzon, Central Luzon, at Metro Manila dahil sa posileng epekto ng bagyo.

Read more...