Sunog sumiklab sa isang residential area sa Mandaluyong

DEVELOPING: Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng hapon ng Biyernes, Nov. 29 sa Martirez Street, Barangay Addition Hills.

Pasado alas 4:00 ng hapon nang itaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog.

Patuloy pa itong inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Department.

Hindi pa rin tukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...