#WALANGPASOK: Klase sa Albay Province suspendido sa Lunes at Martes dahil sa Typhoon Kammuri

Suspendido sa Lunes (Dec. 2) at sa Martes (Dec. 3) ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Albay.

Ito ay dahil sa posibleng pananalasa ng Typhoon na may international name na “Kimmaru” sa Bicol Region.

Ayon kay Albay Gov. Al Francis Bichara, sakop ng dalawang araw na suspensyon ng klase ang mga pampubliko at pribadong paaralan.

Bahagi ito ng paghahanda ng lalawigan sa pagtama ng Typhoon Kimmaru na papangalanang Tisoy sa sandaling pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

Ayon kasi sa PAGASA, sa Martes maaring manalasa na sa Bicol Region at Southern Tagalog ang nasabing bagyo.

Read more...