Vitas Aquatic Center sa Tondo, Maynila bubuksan sa publiko tuwing Miyerkules

PHOTO: Manila PIO
Bubuksan sa publiko ang Vitas Aquatic Center sa Tondo Maynila tuwing araw ng Miyerkules.

Inanunsyo ito ng Manila Public Recreations Bureau (PRB).

Tuwing Miyerkules, magagamit ng publiko ang malaking swimming pool at kiddie pool ng pasilidad sa sumusunod na mga oras:

-From 10:00 am to 12:00 nn
-From 1:00 pm to 3:00 pm

Ayon sa PRB, kayang maka-accommodate ng 100 katao ng nasabing mga pool.

Inanunsyo din ng PRB ma bukas na rin sa publiko ang Vitas Aquatic Center Multi-Purpose Hall.
Para sa mga nais magtanong, maaring bisitahin ang Facebook page ng Public Recreations Bureau ng Maynila.

Read more...