General Luna, Surigao Del Norte niyanig ng malakas na lindol

(UPDATE) Dalawang beses na niyanig ng lindol ang General Luna, Surigao Del Norte.

Unang naitala ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 34 kilometers Southeast ng bayan ng General Luna, alas-11:28 umaga ng Biyernes (Nov. 29) at may lalim na 14 kilometers.

Magnitude 3.6 na lindol naman ang sumunod na naitala sa 52 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng General Luna, ala-11:31 ng umaga at may lalim na 21 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...