Bahagi ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan isasara sa daloy ng traffic sa Nov. 30

Ilang oras na isasara sa daloy ng traffic ang bahagi ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City.

Ito ay para sa gagawing ng pagdiriwang ng ika-156 na Anibersaryo ng Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Ang closure ay mula alas 12:01 ng madaling araw ng Sabado, Nov.. 30.

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang pagdaan sa nasabing lugar para hindi maabala.

Magdaraos ng aktibidad bukas sa Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan para sa selebrasyon ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Read more...