Pork products bawal isakay sa mga pampublikong sasakyan – LTFRB

Ipinagbawal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsasakay ng mga pork at meat products sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa abiso ng LTFRB, iiral sa buong bansa ang naturang kautusan.

Bawal ang pagsasakay ng fresh, frozen, at processed pork products sa mga PUVs lalo na kung ang pasaherong may bitbit ng produkto ay walang karampatang permit.

Papayagan lamang ang pagsasakay ng pork products sa PUVs kung ang pasahero ay may maipapakitang dokumento sa Animal Quarantine checkpoints.

Ang naturang abiso ng LTFRB ay para sa mga tsuper at operators ng mga PUVs.

Read more...