Water level sa Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 07:09 AM

Nadagdagan sa nakalipas na 24 na oras ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 29 ay 188.61 meters ang water level ng dam.

Mas mataas kumpara sa 188.10 meters na water level nito kahapon.

Kapwa naman bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.39 meters at 77.48 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ambuklao at Binga dams.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam status, Ipo dam, la mesa dam, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Ipo dam, la mesa dam, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.