M3.4 na lindol naitala sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro alas-4:41 Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 13 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Mamburao.

May lalim itong 25 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...