Sa panayam ng INQUIRER.net kay weather specialist Sheila Reyes, sinabi nito na malakas na ulan at hangin ang mararanasan sa Central at Southern Luzon kasama ang Metro Manila.
Ang SEA Games venues ay nasa Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Zambales, Tarlac, and Metro Manila.
“Hindi po natin sinasabi na it will directly hit, pero most probably po na may direct effect po ‘yung bagyo sa mga lugar na may mga activities po sa SEA Games,” ani Reyes.
Sinabi naman ni Reyes na posible pang magbago ang forecast tungkol sa bagyo.
Nasa typhoon category na sa ngayon ang bagyo na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa weekened at pangangalanang Tisoy.