Sa tweet ng Senador, sinabi nito na ang tanging malinaw ay ang mga reklamo ng mga atleta.
Aniya ang mga reklamo ay nagpapahiwatig ng kawalan o kakulangan sa karanasan sa paghahanda, gayundin ng pagiging hindi epektibo.
Banggit pa ni Lacson, maging si Pangulong Duterte ay gustong maituwid ang mga mali at maayos ang mga pagkukulang, bukod pa sa kagustuhan nitong maimbestigahan ang mga isyu.
Nobody is saying that PhiSGOC has committed corruption. We’re not there yet. What’s evident so far are the complaints aired by the athletes which project incompetence and inefficiency that the President, no less wants rectified and investigated.
— PING LACSON (@iampinglacson) November 28, 2019