Sa Facebook posts ukol sa insidente na nai-share ng Police Digest sa FB, PNP DPCR at PNP Good Deeds, pinuri ng libo-libong netizens, kasama na ang maraming pulis, si Police Master Sgt. Jason Magno at sinabing tunay na kabayanihan ang ginawa nito.
Tinangka ni Magno na awatin ang nag-aamok na si Ebrahim Ampaso Basher.
Pero sa pagbubuno ng dalawa ay naihagis ni Basher ang hawak na granada.
Dahil maraming estudyante at sibilyan sa paligid, minabuti ni Magno na dapaan ang granada para hindi na madamay ang mga tao sa paligid.
May 11 ang nasugatan sa pagsabog.
Napatay naman si Basher ng kasamang pulis ni Magno.