Dayuhan na nailigtas ng coast guard matapos tumalon sa Pasig River, sinabing tinakasan niya ang mga nagtangka sa kaniyang buhay

May mga tinakasang suspek ang dayuhan na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tumalon sa Pasig River, Miyerkules (Nov. 27) ng umaga.

Kwento ng dayuhan na si Johnson Obi, mula Cameron, Africa, ilang hindi nakilalang suspek ang pumasok sa kaniyang tinutuluyan sa Makati City at saka siya pinosasan.

Kwento ni Obi, nagawa niyang tumakbo at nagpasya siyang tumalon sa Ilog Pasig para iligtas ang sarili.

Si Obi ay nagtatrabaho bilang business consultant sa isang media company.

Nailigtas siya kahapon alas 6:00 ng umaga nang tumalon sa ilog.

Hindi naman matukoy ni Obi kung anong motibo ng mga suspek na nagtangka sa kaniya.

Read more...