Ito ay dahil sa hindi pagre-remit ng BURI sa SSS contribution ng kanilang mga empleyado.
Ang BURI ay dating maintenance provider ng MRT – 3 noong panahon ng Aquino administration.
Ayon kay Berna Valentona-Inacay, pinuno ng SSS NCR-South Legal Department, aabot sa P22 Million na halaga ng SSS contribution ng 428 na empleyado ng BURI ang hindi nairemit mula taong 2016 hanggang September 2019.
Nabigo naman ang SSS at Makati Police na maisilbi ang warrant of arrest sa pitong board of directors ng BURI.
Ang una kasing tanggapan ng BURI na tinungo ng mga otoridad sa Salcedo Village, Makati City base sa address na nakasulat sa warrant of arrest ay bakante na.
Nang puntahan ang isa pang opisina kung saan umano lumipat ang BURI sa bahagi ng Washington Street ay wala ding inabutan ang mga opisyal ng SSS.
Kabilang sa nasa warrant of arrest ay sina Belinda Tan, Elizabeth Velasco, Eldonn Ferdinand Uy, Brian Velasco, Antonio Borromeo, Park Jong Tae, at Elpidio Silvestre Uy.
Ayon kay Inacay, patuloy na tutugisin ng pulisya ang mga opisyal ng BURI.