Ito ay bunsod ng manipis na reserba sa kuryente sa Luzon.
Sa abiso ng Meralco, ang yellow alert ay mula alas 10:01 ng umaga ng Huwebes, Nov. 28 hanggang alas 12:00 ng tanghali. At ala 1:01 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.
Hindi naman inaasahan ang pagkakaroon ng rotational power interruption bunsod ng yellow alert maliban na lamang kung may karagdagan pang planta ng kuryente na papalya.
Pinayuhan naman na ng Meralco ang mga korporasyon at establisyimento na kasabi sa kanilang Interruptible Load Program (ILP) na maging handa sa paggamit ng kanilang generator sets kung kakailanganin.
Para sa mga nasa bahay naman maaring gawin ang sumusunod na hakbang para makatipid sa kuryente:
1. Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kinakailangan.
2. Palaging linisin ang mga electric fan blades at aircon vents.
3. I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit.