Halos kalahati ng pondo ng QC sa susunod na taon ilalaan sa social services – Mayor Joy Belmonte

Sa susunod na taong 2020 papalo na sa P27.8 bilyon ang pondo Quezon City government mula sa P21.5 bilyon ngayong taon.

Ang 44 percent o P12.3 bilyon ng pondo para sa taong 2020 ay inilaan ni Mayor Belmonte sa social services.

Higit na mas mataas kumpara sa dating budget na P8.4 bilyon.

Habang nakalaan naman ang P10.1 billion para general public services, P4.2 billion para economic services at P1.2 billion para sa legislative branch.

Paliwanag ni Belmonte na sa unang araw pa lamang niya bilang alkalde ng lungsod, batid nito na ang magiging pundasyon ng kanyang administrasyon ay ang serbisyo para sa mamayan ng Quezon City.

Read more...