Robert Downey Jr., ibinahagi ang official posters ng pelikulang Dolittle

Nagpost ng magkakasunod na larawan si Robert Downey Jr., ng posters ng kaniyang pelikulang Dolittle.

Sa mga ibinahaging posters, kasama ni Downey ang mga hayop na kasama niya sa pelikula at pangalan ng mga artistang nagboses sa mga ito.

Kabilang sa nakasama ni Downey sa pelikula ang ang co-star niya sa Avengers na si Tom Holland na nagboses sa asong si Jip.

Tampok din sa Dolittle ang boses nina Selena Gomez, Marion Cotillard, Rami Malek, John Cena, Emma Thompson, Octavia Spencer, at Craig Robinson.

Gagampanan ni Downey ang papel bilang Dr. Dolittle na may kakayahang makipag-usap sa mga hayop.

Mapapanood ito sa January 2020.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...