Water level ng Angat dam sumampa na sa 188-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 06:50 AM

Nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Nov. 28 ay 188.10 meters ang water level ng Angat dam.

Mas tumaas kumpara sa 187.98 meters kahapon.

Ang Ipo dam naman ay nadagdagan din ang water level na nasa 100.43 meters.

Bahagya namang nabawasan ang antas ng tbig sa La Mesa dam na nasa 77.49 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams.

TAGS: Angat Dam, la mesa dam, Pagasa, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, la mesa dam, Pagasa, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.