Pangulong Duterte, dadalo sa opening ng SEA Games

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Base sa abiso ng Palasyo, dadalo ang pangulo sa opening ceremony sa November 30, 2019.

Pangungunahan ng pangulo ang pag-welcome sa mga atleta at bisita ng SEA Games.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi nagustuhan ng pangulo ang mga aberyang naranasan ng mga atleta sa SEA Games.

Read more...