Ilang lugar sa Luzon, uulanin ngayong hapon

DOST PAGASA photo

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:21 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hanging sa Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...