DILG sa publiko: Ipakita ang pagiging hospitable sa mga dayuhang atleta

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na ipakita ang pagiging hospitable sa mga dayuhang atleta at delegado sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa isang press conference, sinabi ni DILG undersecretary Jonathan Malaya na ito ang magandang ipamalas ng mga Filipino para sa nalalapit na pagdaraos na torneo.

Dapat muna aniyang isantabi ang ibang usapin ukol sa sports competition.

Sinabi pa ng DILG spokesman na dapat unahin ang interes ng bansa at “best food forward” para maidaos nang maayos ang SEA Games.

Samantala, ani Malaya, makikipagtulungan ang pwersa ng Philippine National Police (PNP), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Interpol sa pagtutok sa posibleng banta sa kasagsagan ng torneo.

Magiging matagumpay aniya ito sa tulong ng kooperasyon ng mga atleta at lokal na pamahalaan sa mga otoridad.

Gaganapin ang SEA Games mula November 30 hanggang December 11.

Read more...