Batay sa ulat, nagmula ang bangka sa Masbate Fish Port patungong Claveria nang magkaroon ng problema sa makina sa karagatang sakop ng Baleno at Aroroy.
Agad nagsagawa ng troubleshooting ng makina ang mga crew member.
Sa kasagsagan nito, napansin ng isa sa mga crew member na humalo ang automotive oil sa tubig-dagat dahilan para magkaroon ng engine failure.
Tumulong naman ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa ikinasang Search and Rescue (SAR) operation ng PCG sa Aroroy.
Tiniyak naman ng PCG na nasa maayos na kondisyon ang lahat ng sakay ng bangka.
Dinala ang mga ito sa Aroroy Port sa Masbate para sa karagdagang tulong at imbestigasyon.