Konstruksyon ng Malalag Port, 100 porsyento nang kumpleto

Tapos ang ang konstruksyon ng Malalag Port sa Davao del Sur, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, 100 porsyento nang kumpleto ang konstruksyon ng nasabing pantalan.

Dahil dito, maaari nang magamit ng mga Davaoeño ang itinuturing na ikatlo sa mga pangunahing ‘international maritime gateway’ sa bansa.

Tiniyak ng DOTr na sumailalim ang pantalan sa komprehensibong rehabilitasyon.

Kabilang sa mga inayos sa pantalan ang konstruksyon ng RC wharf, access trestle at back-up area. Inayos na rin ang lighting system nito.

Sinabi pa ng kagawaran na inaasahang makatutulong ang rehabilitasyon ng paliparan sa paglago ng ekonomiya sa lalawigan.

Ilan sa mga pangunahing cargo na idinadaan sa Malalag Port ang steel products, mga sasakyan, heavy equipment at asukal.

Read more...