Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office-Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa Purok 7, Totolan sa bayan ng Dauis bandang 1:30 ng hapon.
Nakilala ang mga drug suspect na sina Samuel Dacal Dacal at Jason Bucag.
Nakatakas naman sa operasyon ng mga otoridad ang isang alyas “Celoy.”
Nakuha sa dalawa ang isang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800.
Maliban dito, narekober din ng mga otoridad ang isang cell phone, tig-isang unit ng Suzuki motorcycle at Yamaha Mio Sporty motorcycle, at ginamit na buy-bust money.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.