Ito ay inilunsad para masugpo ang polio outbreak.
Binabakunahan ang lahat ng mga batang wala pang limang taong gulang, kahit nabakunahan na dati o kumpleto ang bakuna laban sa polio.
Ayon sa DOH, ang polio ay mabilis kumalat at makahawa.
Nagdudulot ito ng habangbuhay na pagkaparalisa at maaaring ikamatay.
Wala ring gamot ang polio at tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito.
Mapanganib ang polio sa mga batang wala pang limang taong gulang.
Paalala naman ng DOH sa mga magulang, pabakunahan ang mga anak kontra polio.
Kasama sa babakunahan ang mga batang may sariling pediatrician at kahit mga bagong silang na sanggol, kasama rin.
Ang Sabayang Patak Kontra Polio campaign ay suportado ng Philippine Pediatric Society.