Opisyal ng BuCor patay sa pananambang sa harap ng Bilibid

Patay ang isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang tambangan sa harapan lamang New Bilibid PRisons (NBP) sa Muntinlupa

Ayon kay BuCor Spokesman Maj. Alberto Taripu, ang biktima ay si CO1 Porferio Bergula, na nakatalaga sa medium security compound.

Nasa tapat ng isang restaurant na 400 metro ang layo sa gate ng NBP ang biktima nang siya ay pagbabarilin ng rideing-in-tandem.

Nangyari ang pamamaril alas 10:00 ng umaga ng Miyerkules, Nov. 27.

Isinugod pa sa ospital si Bergula pero pumanaw din ito kalaunan.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananambang.

Read more...